You can quickly leave this website by clicking the “X” in the top right or by pressing the Escape key twice.
Sinusuportahan namin ang katatagan at kalakasan ng mga pagkilos na pinapangunahan ng mga kababaihan at mga non-binary na tagapagtanggol ng karapatang-tao sa Asya at Pasipiko sa pamamagitan ng paglikha ng mga ligtas na espasyo upang sila ay umunlad at maipagpatuloy nila ang kanilang mga gawain.
Sa paggawa nito, ginagabayan kami ng mga peministang pagpapahalaga na nagha-highlight sa pakikipagtulungan at co-creation. Sinisigurado naming na kami ay nagbibigay ng empatiya, pangangalaga sa mga tao at kalikasan at hindi inuuna ang kita.
Gustung-gusto namin na mas matuto pa, kaya gumagamit kami ng mga makabagong pag aaral upang matulungan kaming palakasin ang aming kakayahan na sumalamin, matuto, umangkop, tumugon at palakasin pa ang aming gawain. Sa bawat hakbang, tinanong namin ang aming sarili: "Ano ang dapat abutin upang suportahan ang katatagan at umunlad ang mga kababaihan at non-binary na mga aktibista sa Asya at Pasipiko, at lumikha ng isang ligtas at nagmamalasakit na kapaligiran na nagpapanatili sa kanilang gawain?"
Naniniwala kami na kung may pagpapahalaga sa layunin ang lahat ng ating ginagawa ay maaari nating maabot ang pagbabago na ating hinahangad. Kasama sa aming ginagawa ang:
Kami ay people-cetered, at naka focus sa holistic na paghahanap at pagbibigay ng rekurso.
Alam namin na para pahalagahan ang ating katatagan ay dapat pangalagaan ang ating pisikal, materyal at pang-emosyonal na kabutihan o well being. Pinapahalagahan namin ang rekurso para sa safety at security ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at mga aktibista ng hindi sinasaalang alang ang kanilang kabutihan, kanilang kasiyahan at kanilang pag unlad sa harap ng panganib.
Umiikot ang aming gawain sa pagpapahalaga sa kultura ng pangangalaga, co-leadership at pagkakaisa.
Naniniwala kami sa mutwalidad sa pagitan ng aming sariling pagbabago at lakas ng mga aktibista at pagkilos. Hindi kami direktang nagpapatupad ng mga programa o proyekto, sa halip ay nagbibigay kami o nagbibigay daan sa mga mapagkukunang pampinansyal at hindi pang-pinansyal para sa mga aktibista at ng mga kilusan.
Dapat nating makita ang ating sarili bilang bahagi ng kilusan para sa pagbabago.
Bilang mga nagpopondo, pinaaalalahanan namin ang aming sarili sa pantay na pagtingin sa pagitan ng funder at ng mga grantee sa global north at global Soutn. Kasama rito kung paano, saan, at mula kanino kami kumukuha ng pera, at mga pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa amin ng mga aktibista at aming donor. Iginagalang namin ang kanilang kaalaman, kakayahan, at dignidad sa lahat ng aming ginagawa.
Ang pagpapahalaga sa bawat bahagi ng aming trabaho.
Ang aming magkakaugnay na gawain ay binubuo ng pagbibigay ng mga grant, pagbuo ng mga espasyo para sa repleksyon, pag impluwensya sa pagkakawanggawa, pagpapalakas at pag suporta sa kaligtasan at pangangalaga ng mga aktibista at pagpapalakas ng mga sistemang pang-institusyon at kultura na kailangan namin upang maipagpatuloy ang aming gawain.