FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

MAY TANONG PA RIN?

Suriin ang aming mga FREQUENTLY ASKED QUESTIONS sa ibaba. Kung kailangan mo ng karagdagang tulong, mangyaring mag-email sa amin sa info@uafanp.org

Paano ako mag-a-apply para sa isang grant?

Gumawa ng isang libreng ProtonMail account kung wala ka pa. Mangyaring mag-refer sa gabay na ito  kung paano gumawa ng isang libreng ProtonMail account. Ang ProtonMail ay isang ligtas na email service na nag-ssave ng iyong data gamit ang zero-access na encryption at nagpapatupad ng end-to-end na encryption kapag ang nagpadala at tatanggap ay gumagamit ng ProtonMail.

Gamitin ang iyong Protonmail email address para magparehistro sa aming Rapid Response Grant-making (RRG) system. Antayin sa iyong ProtonMail account ang email ng kumpirmasyon. I-click ang link ng kumpirmasyon upang magamit ang iyong account.

Login to https://apply.uafanp.org/users/sign_in.

I-click ang Apply for Grant button (gitna sa taas) at sagutan ang form ng aplikasyon. Maaari mong piliin ang grant na naaangkop sa iyo. Mag-click sa alinman sa Security and well being grant o Resourcing Resilience Grant. Tiyaking sinasagot mo ang lahat ng mga tanong sa form upang maisumite ang aplikasyon.

Kapag naisumite na ang aplikasyon, makakatanggap ka ng email na may numero ng aplikasyon ng UAF A&P.

 

Paano ako makakagawa ng isang protonmail account?

1. Gamit ang iyong browser, pumunta sa https://protonmail.com/signup.

2. I-click ang FREE basic account na may mga limited feature box upang maipakita ang FREE basic account information.

3. I-click ang SELECT FREE PLAN button.

4. Sundin ang mga instruction.

Bakit inirerekumenda namin ang paggamit ng Protonmail account?

Kinikilala namin ang lumalalang peligro na kinakaharap ng mga tagapagtanggol at aktibista ng karapatang pantao. Nakatuon kami sa pag-secure ng pagkakakilanlan at impormasyon ng aming mga grantee, at ng mga kasama sa UAF A&P. Habang nag-a-apply para sa isang grant, kailangang palitan ang mga sensitibong impormasyon at data tungkol sa pangangailangan at mga pangyayari dahilan ng pangangailangan ng mga aktibista ng grants. Kaya mahalaga na i-secure natin ang ating komunikasyon, upang walang mga third party entity, kasama ang serbisyo ng pagpapadala o pag tanggap ng mensahe sa email ang makaka-access nito. Kasama dito na kung sakaling may humarang sa aming mga email, hindi nila ito mababasa o mai-censor. Ang serbisyo sa email ng ProtonMail ay nagpapatupad ng parehong mga hakbang ng end-to end encryption. Gayunpaman, ang end-to-end encryption ay maaari lamang gumana kapag ang parehong nagpadala at tatanggap ay gumagamit ng ProtonMail. Pinoprotektahan din ng ProtonMail ang mga email na nakalagay sa ating server na may zero access encryption, at hindi rin nila sinusubaybayan o itinatala ang mga aktibidad ng mga gumagamit kasama na ang mga IP address.

Paano ako mag-sign up / magrehistro ng account?

1. Lumikha ng isang libreng ProtonMail account.

2. Gamit ang iyong browser, pumunta sa https://apply.uafanp.org/users/sign_up.

3. Gamitin ang iyong Protonmail email address upang magparehistro sa system.

4. Pagkatapos mag-sign up, tignan ang iyong ProtonMail account para sa kumpirmasyon. I-click ang link ng kumpirmasyon upang ma-activate ang iyong account.

Maaari ko bang mai-save ang aking aplikasyon at isumite ito sa susunod?

I-click lamang ang save and continue button (sa itaas-kanang bahagi) habang sinasagutan ang application form pagkatapos ay maaari ka ng mag-log out.

TANDAAN: Kailangan mong i-save ang iyong aplikasyon sa loob ng 2 hanggang 5 minuto o kusang mawawala ang mga impormasyong nilagay mo. Hindi awtomatikong mai-save ng system ang iyong aplikasyon. Kailangan mong manu-manong i-click ang save and continue button upang mai-save ang iyong impormasyon.

Paano ko ipagpapatuloy / mai-edit ang aking hindi natapos na aplikasyon?

1. Mag-login sa iyong account.

2. I-click ang kaukulang link ng UAF A&P ID o ang View Button sa kanan ng aplikasyon na nais mong i-edit.

Paano ko malalaman na ang aking aplikasyon ay natanggap?

Makakatanggap ka ng email na magbibigay sayo ng numero ng aplikasyon ng UAF A&P.

Natapos ko na ang application at na-click ang SAVE and SUBMIT button ngunit ang lumalabas sa application ay blangko.

Ang sinasagutang form sa web ay may time out session. Kung aabutin ka ng matagal para sagutan ang application form, dapat ay maging alerto sa posibilidad ng pag-time-out ng iyong sesyon. Maaari mong maiwasan ito sa dalawang paraan:

1. Kopyahin ang mga katanungan sa application form, at i-type ang iyong mga sagot sa Word o anumang software na pwedeng mag edit ng Teks, pagkatapos ay kopyahin at i-paste ang iyong mga sagot sa form kapag tapos ka na; O kaya

2. I-save ang iyong aplikasyon madalas sa pamamagitan ng pag-click sa SAVE and CONTINUE button (kanang itaas) pagkatapos ng bawat sagot upang hindi mawala ang impormasyon (mas mabuti tuwing dalawang minuto), pagkatapos ay ipagpatuloy ang pag-edit.

Makakatanggap ka ng email mula sa grants@uafanp.org para kumpirmahin na matagumpay mong naisumite ang iyong aplikasyon kasama ang numero ng aplikasyon bilang subject. Kung hindi ka nakakatanggap ng anumang email, mangyaring tignan ulit kung nasagutan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. (mamarkahan ng pulang asterisk * ang mga may blankong sagot)

Nakapag sumite na ako ng aplikasyon, bakit wala akong natatanggap na sagot?

Tumatanggap ang UAF ng maraming aplikasyon. Nangangailangan kami ng hindi bababa sa 10 araw upang makasagot sa iyo sa aming unang komento. Kung sakaling hindi parin nakakatanggap ng sagot mula sa amin, mangyaring tignan ang INBOX ng inyong PROTONMAIL. Kung sakaling wala pang sagot  - mangyaring maghintay.

Siguraduhin na madalas tinitignan ang iyong protonmail account. Ipapadala ang mga notification sa iyong account tuwing may mga katanungan / paglilinaw na kinakailangan ng facilitator o ang status ng iyong aplikasyon ay nagbago.

Kung mayroon akong mga katanungan tungkol sa aking aplikasyon, kanino ako dapat makipag ugnayan?

Maaari mong sabihin ang iyong katanungan sa Comments Tab ng iyong aplikasyon o maaari kang magpadala ng email sa grants@uafanp.org. Upang ma-access ang COMMENTS section:

1. Mag-login sa https://apply.uafanp.org/users/sign_in.

2. I-click ang kaukulang link ng UAF A&P ID o ang VIEW button sa kanan ng aplikasyon na nais mong i-edit.

3. I-click ang Gear button (sa itaas sa kanan) pagkatapos ay i-click ang COMMENT tab.

4. Ilagay ang iyong mga komento sa kahon ng POST A COMMENT pagkatapos i-click ang-post button.

Ano ang ibig sabihin ng mga katayuan sa aking dashboard?

Created - Nai-save na ang aplikasyon

Filed- Isinumite ang aplikasyon

Received - Ang isang facilitator ay itinalaga na upang iproseso ang iyong aplikasyon

In Process - Ang aplikasyon ay nasa ilalim ng pagsusuri

Denied – Hindi naaprubahan ang aplikasyon

Approved - Naaprubahan ang aplikasyon

Disbursed - Ang pondo ay naipadala na sa grantee

Closed- Ang desisyon ay nagawa o para sa naaprubahang mga gawad, ang mga ulat sa pananalapi at pagpawalang-sala ay naitala.

Nakatanggap ako ng isang abiso sa email na nagsasabi na mayroong isang bagong komento, paano ko makikita ang komento?

1. Mag-login sa iyong account.

2. I-click ang link sa notification sa email. Ipapakita nito ang mga detalye ng iyong aplikasyon.

3. I-click ang Gear button (sa itaas sa kanan) pagkatapos ay i-click ang Comment tab.

Nakatanggap ako ng isang abiso sa email na nagsasabi na mayroong isang kalakip, paano ko mai-download ang kalakip?

1. Mag-login sa iyong account.

2. I-click ang link sa notification sa email. Ipapakita nito ang mga detalye ng iyong aplikasyon.

3. I-click ang Gear button (sa itaas sa kanan) pagkatapos ay i-click ang tab na Mga Attachment.

4. Hanapin ang dokumento na nais mong makita at i-click ang pindutang mag-download.

Paano ko mai-reset ang aking password para sa RRG system kung nakalimutan ko ito?

1. Gamit ang iyong browser, pumunta sa https://apply.uafanp.org/users/password/new

2. Ipasok ang iyong email address ng ProtonMail pagkatapos i-click ang Ipadala sa akin ang mga tagubilin sa pag-reset ng password.

3. Suriin ang iyong ProtonMail account para sa isang mensahe na may paksang "I-reset ang mga tagubilin sa password"

4. I-click ang link na Baguhin ang aking password sa email.

5. Ipasok ang iyong bagong password sa mga kahon na ibinigay pagkatapos ay i-click ang Baguhin ang aking password.

Paano ko mababago ang aking password?

1. Mag-login sa system.

2 I-click ang iyong (itaas-kanan) at pagkatapos ay piliin ang palitan ang password.

3. Ipasok ang iyong kasalukuyang password at ang bagong password na nais mong gamitin sa mga naaangkop na kahon pagkatapos i-click ang pindutang I-update.

Saan ko makikita ang mga update sa aking aplikasyon?

Makakatanggap ka ng isang notification sa email tuwing may pag-update sa iyong aplikasyon ngunit maaari kang mag-login anumang oras sa website ng A&P ng UAF upang suriin ang katayuan ng iyong aplikasyon.

Paano ako muling mag-a-apply para sa parehong grant o magkakaibang grant?

1. Mag-login sa system.

2. I-click ang Mag-apply para sa isang Grant (sa itaas na bahagi bandang gitna) at piliin ang uri ng grant na nais mong applyan. Punan ang application form. Tiyaking sinasagot mo ang lahat ng mga item upang maisumite ang aplikasyon.

Ang aking koneksyon sa Internet ay hindi maaasahan, paano ako makakapag-apply?

1. I-download ang naaangkop na mga form ng aplikasyon sa https://www.uafanp.org/application-forms. Ibigay ang lahat ng impormasyon na hinihingi upang maiwasan ang pagkaantala sa pagproseso ng iyong aplikasyon.

2. Lumikha ng iyong FREE ProtonMail na account.

3. Gamit ang iyong ProtonMail account, ipadala ang iyong aplikasyon sa grants@uafanp.org

Mangyaring mag-email sa grants@uafanp.org kung kailangan mo ng karagdagang suporta tungkol sa iyong mga aplikasyon sa grant.

Mag-apply para sa mga grant dito.

 

 

How do I enable two-factor authentication (2FA) on my account?