RAPID RESPONSE GRANTS

Ang mga kababaihan o non-binary na tagapagtanggol ng karapatang pang tao ay humaharap sa malalaking peligro upang makamit ang ninanais na pagbabagong pang lipunan, pang ekonomiya at pampulitika. Kadalasan, inilalagay nila ang kanilang sariling buhay sa peligro. Narito kami upang mas palakasin ang kanilang kakayahan at mag bigay ng suporta kapag ito ay kinakailangan .

Uri ng Grants

Ang UAF A&P ay nagbibigay ng pondo sa mga kababaihan o non-binary na mga aktibista, kanilang pamilya at kanilang mga kasamahan sa oras ng krisis. Mayroong dalawang uri ng grants. Ang isa ay tinatawag na security and well-being fund na ibinibigay para sa mga nangangailangan ng kagyat na pondo upang masigurado ang kaligtasan mula sa pisikal o emosyonal na pinsala. Ang Resourcing Resiliency grant naman ay para naman sa paghahanda sa mga banta, at sa mga kailangang tumugon sa isang kritikal na isyu o pagkakataon sa susunod na 3-6 na buwan.

Hinihiling namin ang iyong pasensya sa proseso ng pagsusuri ng aplikasyon ng UAF A&P. Mangyaring asahan ang aming tugon na natanggap naming ang iyong aplikasyon sa loob ng 48-72 na oras. Hinihikayat din namin na palagiang tignan ang inbox ng ProtonMail at / o ang iyong dashboard sa iyong UAF A&P account para sa lahat ng mga pag-update at komunikasyon. Kapag naaprubahan ang isang aplikasyon at pirmahan ang mga kinakailangang dokumento, mangyaring asahan na matanggap ang grant sa loob ng 10-15 araw.

Uri ng Grants

placeholder
Security and well-being grants

Ang grant na ito ay pwede sa mga kababaihan o non-binary na tagapagtanggol ng karapatang pantao at mga organisasyon sa Asya at Pasipiko na mayroong agaran na mga pangangailangan na nauugnay sa kanilang kaligtasan o kagalingan. Ito ay inilaan para sa isang tao o samahan na nakakaranas ng banta,  krisis o peligro dahil sa kanilang ginagawang pagtatanggol sa mga karapatan ng kababaihan at karapatang pantao. Magagamit din ito para sa agarang pangangailangan sa kagalingan tulad ng psycho-social counseling, lunas sa trauma, o tulong medikal.

placeholder
Resourcing resilience grants

Ang grant na ito ay pwede sa mga kababaihan o non-binary na tagapagtanggol ng karapatang pantao at mga samahan sa Asya at Pasipiko na – maaaring indibidwal o bahagi ng organisasyon- na naghahangad na magpatupad ng isang inisyatiba o tumugon sa isang hindi inaasahang sitwasyon na mag-aambag sa katatagan at kalakasan ng karapatang pantao ng kababaihan at aktibismo

placeholder
Webs of safety and care grants

Ang mga indibidwal, grupo o mga organisasyon na aktibong kasama sa programang Enabling Defenders Programme ng UAF A&P ay nakatuon sa pagpapatibay ng mga web of safety and cares at pangangalaga para sa mga kababaihan at non-binary na tagapagtanggol at aktibista ay pwede sa grant na ito. Ang web of safety and cares ay pwede lang sa mga napadalhan ng imbitasyon.

placeholder
SPECIAL GRANTS

Paminsan-minsan, pinalalawak namin ang aming pagbibigay ng mga grants upang tumugon sa mga kagyat na pangangailangan o krisis. Ang impormasyon tungkol sa mga ganitong uri ng mga grants ay matatagpuan sa aming special grants page.

 

Approval Process

placeholder

Ang sinumang aktibista o tagapagtanggol ng karapatan na nag-a-apply para sa isang UAF A&P na grant ay hiniling na gumawa ng ProtonMail account upang matiyak ang ligtas na komunikasyon. Gamit ang e-mail ID na ito, maaari silang magparehistro sa Rapid Response Grant-making (RRG) system. Habang pinupunan ang application form, tiyakin na ang lahat ng mga detalye na sinasagot ay tama. Sa sandaling isumite, ang aplikante ay makakatanggap ng application number at ma aassign sa isang grant facilitator. Asahan ang aming tugon na natanggap na ang iyong aplikasyon sa loob ng 48-72 na oras. Sa panahon na ito, ang aplikasyon ay susuriin ng isang facilitator at isang regional advisor. Hinihikayat din naming na palagiang tignan ang inbox ng iyong ProtonMail at / o ang inyong dashboard ng application sa iyong UAF A&P account para sa lahat ng mga pag-update at komunikasyon. Kapag naaprubahan ang isang aplikasyon at nipirmahan ang mga kinakailangang dokumento, mangyaring asahan na matanggap ang iyong grant sa loob ng 7-10 araw. Ang isang grant cycle ay matatapos kapag nakapag sumite na ng final report ang grantee kung paano nagamit ang mga pondo.

MGA DAPAT ALAMIN TUNGKOL SAAMING MGA GRANTS:

Ang mga grants ay hanggang $5000 USD. Ang pagtanggap ng magkakasunod na aplikasyon mula sa parehong defender o organisasyon ay case-by-case basis.

Lahat ng mga aplikasyon ay dapat tumugon sa isa sa mga Grant types.

Kunin ang aming GRANTS ELIGIBILITY ASSESSMENT.

 

 

Hinihiling namin ang iyong pasensya sa proseso ng pagsusuri ng mga aplikasyon ng UAF A&P. Asahan an gaming tugon na natanggap naming ang iyong aplikasyon sa loob ng 48-72 na oras. Hinihikayat namin na palagiang tignan ang iyong inbox ng ProtonMail at / o ang iyong dashboard ng application sa iyong UAF A&P account para sa lahat ng mga pag-update at komunikasyon. Kapag naaprubahan ang isang aplikasyon at napirmahan ang mga kinakailangang dokumento, asahan na matanggap ang grant sa loob ng 10-15 araw.

Ang aming grant making ay dumadaan sa aming mga regional and country advisor na pinagkakatiwalaan namin upang suriin ang mga aplikasyon.

Ang iyong privacy ay kritikal at sinisigurdo naming kami ay nagsasagawa ng mga hakbang upang matiyak ang iyong kaligtasan. Ang mga aplikasyon ay ibinabahagi lamang sa mga tagapayo ng UAF A&P o mga pinagkakatiwalaang indibidwal (kung kinakailangan).

Kapag naaprubahan ang isang grant, ang mga pondo ay naibibigay sa loob ng 10-15 araw.

Ang lahat ng mga tumatanggap ng grant ay kinakailangang magsumite ng huling report na naglalarawan kung paano ginamit ang grant.

Upang makipag-usap sa amin, hiniling namin na gumamit ng mga naka-encrypt na channel: ProtonMail para sa email at Signal para sa secured na mga mensahe. Para sa mga katanungan tungkol sa mga aplikasyon ng grant making, makipag-ugnay sa: grants@uafanp.org. Para sa mga teknikal na isyu sa paggamit ng online na aplikasyon, maaaring mag send ng mensahe sa esther@uafanp.org

 

Para sa karagdagang mga katanungan, mangyaring sumangguni sa aming mga FAQ

 

* Ang non-binary ay isang termino na tumutukoy sa mga indibidwal na ang pagkakakilanlan ng kasarian at / o pagpapahayag ng kasarian ay hindi eksklusibong panlalaki o pambabae, o lalaki o babae lang - ibigsabihin, ay nasa labas ng kasariang binary at cisnormativity. Ginagamit ng UAF A&P ang term na ito upang masakop ang androgyny, polygender, genderqueer, gender fluid at a-gender na mga indibidwal.

APPLY NOW
Hindi sinusuportahan ng UAF A&P grants ang mga sumusunod:
  • Lalaking cisgender o mga organisasyon o network na pinamumunuan ng lalaki na cisgender.

  • Indibidwal na walang suporta o endorso mula sa isang organisasyon.

  • Isang matatag na organisasyon o matatag na koneksyon o isang tagapayo sa UAF A&P;

  • Mga aktibidad o proyekto para sa mga krisis o natural na sakuna;

  • Mga aktibidad o proyekto na nakatuon sa pag tulong o charity;

  • Mga proyekto o aktibidad na parte na ng regular na gawain ng isang organisasyon;

  • Regular na badyet sa pagpapatakbo ng organisasyon at / o para maipag patuloy ang pagpopondo (upang mapunan ang puwang sa pagpopondo).

* Ang Cisgender Males ay mga indibidwal na kinikilala ang sarili bilang lalaki at ipinanganak na lalaki.