SECURITY AND WELL-BEING GRANTS

Apply Now

Ang grant na ito ay pwede sa mga kababaihan o non-binary na tagapagtanggol ng karapatang pantao at mga organisasyon sa Asya at Pasipiko na mayroong agaran na mga pangangailangan na nauugnay sa kanilang kaligtasan o kagalingan. Ito ay inilaan para sa isang tao o samahan na nakakaranas ng banta,  krisis o peligro dahil sa kanilang ginagawang pagtatanggol sa mga karapatan ng kababaihan at karapatang pantao. Magagamit din ito para sa agarang pangangailangan sa kagalingan tulad ng psycho-social counseling, lunas sa trauma, o tulong medikal.

Grants Criteria

Ang mga pangunahing dapat makatanggap ng grant ay mga kababaihan o non-binary na indibidwal, okaya organisasyon na pinamunuan ng mga kababaihan o non-binary na indibidwal na nagtatanggol sa karapatang pantao, mas mabuti na maibigay ang grant sa pamamagitan ng mga organisasyon na kumikilala sa karapatan ng mga kababaihan.

Pokus sa Karapatang Pantao – ang indibidwal o organisasyon ay dapat nagsugsulong ng mga karapatang pantao ng kababaihan at / o LBTQI gamit ang mga hindi marahas na stratehiya habang itinataguyod ang unibersal na karapatang pantao;

Hindi inaasahan o Urgent na sitwasyon – hindi tiyak kung kailan mangayayari ang tinutugunan na krisis kung saan nanganganib ang indibidwal o kanilang samahan;

Suporta para sa Seguridad at Well being - ang grant request na ito ay para sa seguridad (hal. Ligal na tulong, paglilipat ng tirahan, pagsusuri sa panganib at pagsasanay, mga kagamitan para sa seguridad); at / o para sa Well being (hal. payong sikolohikal, lunas sa trauma, tulong medikal) ng indibidwal o kanilang samahan;

Sa panahon ng krisis o pagkatapos ng krisis - ang grant na ibibigay ay dapat na nakalaan upang suportahan ang seguridad at kabutihan ng indibidwal na natatanggol ng karapatan pantao o kanilang samahan sa panahon ng krisis, o kaagad pagkatapos nito;

Supported and Networked - ang tagapagtanggol ng karapatan pantao o kaniyang organisasyon ay mayroong suporta ng iba pang organisasyon na nagtataguyod sa karapatan ng kababaihan, karapatang sekswal o kaugnay na mga karapatang pantao sa lokal o pambansang level.

 

Basahin ang mga FAQ dito.

Para sa iba pang mga katanungan, mag-email sa amin sa grants@uafanp.org

Ang lahat ng mga aplikasyon ay dapat tumugon sa lahat ng pamantayan.

* Ang non-binary ay isang termino na tumutukoy sa mga indibidwal na ang pagkakakilanlan ng kasarian at / o pagpapahayag ng kasarian ay hindi eksklusibong panlalaki o pambabae, lalaki o babae - ibigsabihin, ay nasa labas ng kasariang binary at cisnormativity. Ginagamit ng UAF A&P ang term na ito upang masakop ang androgyny, polygender, genderqueer, gender fluid at a-gender na mga indibidwal.

APPLY NOW
Hindi sinusuportahan ng UAF A&P grants ang mga sumusunod:
  • Lalaking cisgender o mga organisasyon o network na pinamumunuan ng lalaki na cisgender.

  • Indibidwal na walang suporta o endorso mula sa isang organisasyon.

  • Isang matatag na organisasyon o matatag na koneksyon o isang tagapayo sa UAF A&P;

  • Mga aktibidad o proyekto para sa mga krisis o natural na sakuna;

  • Mga aktibidad o proyekto na nakatuon sa pag tulong o charity;

  • Mga proyekto o aktibidad na parte na ng regular na gawain ng isang organisasyon;

  • Regular na badyet sa pagpapatakbo ng organisasyon at / o para maipag patuloy ang pagpopondo (upang mapunan ang puwang sa pagpopondo).

* Ang Cisgender Males ay mga indibidwal na kinikilala ang sarili bilang lalaki at ipinanganak na lalaki.