RESOURCING RESILIENCE GRANTS

Apply Now

Ang grant na ito ay pwede sa mga kababaihan o non-binary na tagapagtanggol ng karapatang pantao at mga samahan sa Asya at Pasipiko na – maaaring indibidwal o bahagi ng organisasyon- na naghahangad na magpatupad ng isang inisyatiba o tumugon sa isang hindi inaasahang sitwasyon na mag-aambag sa katatagan at kalakasan ng karapatang pantao ng kababaihan at aktibismo

GRANTS CRITERIA

Ang mga pangunahing dapat makatanggap ng grant ay mga kababaihan o non-binary na indibidwal, okaya organisasyon na pinamunuan ng kababaihan o non-binary na indibidwal na nagtatanggol sa karapatang pantao, mas mabuti na maibigay ang grant sa pamamagitan ng mga organisasyon na kumikilala sa karapatan ng mga kababaihan.

Pokus sa Karapatang Pantao – ang indibidwal o organisasyon ay dapat nagsugsulong ng mga karapatang pantao ng kababaihan at / o LBTQI gamit ang mga hindi marahas na stratehiya habang itinataguyod ang unibersal na karapatang pantao;

Strategic Intervention - ang grant na ito ay nakalaan para sa isang interbensyon na naglalahad ng sitwasyon o hindi inaasahang mga pagkakataon para sa proteksyon at suporta ng mga kababaihan o non-binary na tagapagtanggol ng karapatan. Maaari ring isang madiskarte, malikhain o makabagong paraan ng pagpapalawak ng kasalukuyang ginagawang pagpapalakas ng karapatang pantao ng kababaihan at aktibismo ng karapatang pantao;

Time bound- ang planong inisyatiba ay dapat na ipatupad sa loob ng 3 buwan matapos maaprubahan ang isang aplikasyon at matapos sa loob ng 6 na buwan;

Supported and Networked - ang tagapagtanggol ng karapatan pantao o kaniyang organisasyon ay mayroong suporta ng iba pang organisasyon na nagtataguyod sa karapatan ng kababaihan, karapatang sekswal o kaugnay na mga karapatang pantao sa lokal o pambansang level.

Ang mga grants ay hanggang $5000 USD. Ang pagtanggap ng magkakasunod na aplikasyon mula sa parehong defender o organisasyon ay case-by-case basis.

Basahin ang mga FAQ dito.

Para sa iba pang mga katanungan, mag-email sa amin sa grants@uafanp.org

Ang lahat ng mga aplikasyon ay dapat tumugon sa lahat ng pamantayan.

* Ang non-binary ay isang termino na tumutukoy sa mga indibidwal na ang pagkakakilanlan ng kasarian at / o pagpapahayag ng kasarian ay hindi eksklusibong panlalaki o pambabae, lalaki o babae - ibigsabihin, ay nasa labas ng kasariang binary at cisnormativity. Ginagamit ng UAF A&P ang term na ito upang masakop ang androgyny, polygender, genderqueer, gender fluid at a-gender na mga indibidwal.

APPLY NOW
Hindi sinusuportahan ng UAF A&P grants ang mga sumusunod:
  • Lalaking cisgender o mga organisasyon o network na pinamumunuan ng lalaki na cisgender.

  • Indibidwal na walang suporta o endorso mula sa isang organisasyon.

  • Isang matatag na organisasyon o matatag na koneksyon o isang tagapayo sa UAF A&P;

  • Mga aktibidad o proyekto para sa mga krisis o natural na sakuna;

  • Mga aktibidad o proyekto na nakatuon sa pag tulong o charity;

  • Mga proyekto o aktibidad na parte na ng regular na gawain ng isang organisasyon;

  • Regular na badyet sa pagpapatakbo ng organisasyon at / o para maipag patuloy ang pagpopondo (upang mapunan ang puwang sa pagpopondo).

* Ang Cisgender Males ay mga indibidwal na kinikilala ang sarili bilang lalaki at ipinanganak na lalaki.