You can quickly leave this website by clicking the “X” in the top right or by pressing the Escape key twice.
Ang pandemya dulot ng COVID-19 ay lalong nagpahirap sa sitwasyon ng mga kababaihan at non-binary ng tagapagtanggol ng karapatang pantao at aktibista sa Asya at Pasipiko. Nakatanggap kami ng mga kahilingan para sa suporta mula sa mga grantee, advisors, at mga kasama sa komunidad mula sa iba’t ibang rehiyon na apektado ng krisis ng pandemya.
Alinsunod sa pangako ng UAF A & P na suportahan ang mga kababaihan at non-binary na tagapagtanggol at aktibista, nagbukas kami ng isang grant na partikular na susuportahan ang pang-ekonomiya at pangunahing mga pangangailangan sa panahon ng COVID-19. Nagtabi kami ng USD $ 200,000 mula sa badyet ng 2020-2021 para mapondohan ito, at nasa proseso kami ng pag-hahanap pa ng mga karagdagang pondo. Ang grant na ito ay bukas hanggang 30 Hunyo 2021.
Pwede ang grant na ito sa mga kababaihan at non-binary na tagapagtanggol ng karapatang-tao, mga aktibista at samahan sa Asya at Pasipiko, para matugunan ang kanilang pangunahing mga pangangailangan (ie pagkain, pabahay, suportang pang-ekonomiya) dahil sa tugon ng kanilang gobyerno sa COVID-19 pandemic. Ito ay inilaan para sa isang indibidwal o organisasyon na nakakaranas ng ekonomikal na kahirapan para matugunan ang kanilang pangunahing mga pangangailangan.
Para sa iba pang mga kaugnay na pangangailangan sa COVID-19 ito ay sakop na ng aming ibang grants(ibig sabihin pasok ito sa, Security and Well-Being and Resourcing Resilience grants).
Halimbawa:
• Suportang medikal
• Wellness/healing/community care/trauma-related work
• Pag-access ng mga digital spaces para sa mga online na gawain o pagtitipon (hal. VPNs o iba pang mga tool sa seguridad sa digital)
• Relocation o pangangailangan ng quarantine house / space
• Gastos sa transportasyon dahil sa lockdown
A.Criteria
B.Available grant amount
Magbibigay ang UAF A&P ng grant na hanggang USD $ 5,000 lamang.
II. Mga dapat tandaan bago mag apply
A. Paano Mag-apply
Mag-apply online o i-download ang Security and Well-Being Grant Application, pagkatapos ay ipadala ito sa grants@uafanp.org.
B. Communication Channels
Ang UAF A&P ay tumatanggap lang ng email mula sa Protonmail at mensahe mula sa Signal. Hinihikayat naming gumamit ng ligtas at naka encrypt na mga channel ng komunikasyon,para na din sa iyong seguridad at privacy. Mangyaring ipadala sa amin ang iyong aplikasyon at mga query sa pamamagitan ng mga sumusunod na email address:
C. UAF A&P's Advisors
Ang grantmaking ng UAF A & P ay dumadaan sa aming mga tagapayo sa rehiyon at bansa na pinagkakatiwalaan namin upang sumuri ang mga inirekumendang aplikasyon. Ang mga desisyon ay ipinapaalam sa bawat aplikante pagkatapos naming makatanggap ng pag-endorso mula sa mga tagapayo.
D. Requirement for Grantees
Ang lahat ng mga tumatanggap ng grant ay kinakailangang magsumite ng huling report kung paano ginamit ang pondo sa loob ng 6 na buwan.
E. Requirement for Previous Grantees
Ang mga dating nakatanggap na ng grant na ito ay maaaring muling mag-apply sa grant na ito. Ang desisyon sa makakatanggap ng grant ay case-by-case-address.
F. RRG Approval Process
Ang proseso ng pag-apruba ng mg aplikasyon ay kapareho ng aming regular na mga grant.
Lalaking cisgender o mga organisasyon o network na pinamumunuan ng lalaki na cisgender.
Indibidwal na walang suporta o endorso mula sa isang organisasyon.
Isang matatag na organisasyon o matatag na koneksyon o isang tagapayo sa UAF A&P;
Mga aktibidad o proyekto para sa mga krisis o natural na sakuna;
Mga aktibidad o proyekto na nakatuon sa pag tulong o charity;
Mga proyekto o aktibidad na parte na ng regular na gawain ng isang organisasyon;
Regular na badyet sa pagpapatakbo ng organisasyon at / o para maipag patuloy ang pagpopondo (upang mapunan ang puwang sa pagpopondo).
* Ang Cisgender Males ay mga indibidwal na kinikilala ang sarili bilang lalaki at ipinanganak na lalaki.